Tuesday, March 9, 2010

My very first blog-buster experience!

I was inspired by two people to do blogs... LLOYD S. - my kumpare, my jogging partner (kahit isang beses pa lang ata kami natuloy mag jogging.. hehehe), a good friend, listener & magician - and EDDIE O. - a friend and an amazing writer! Miss na kita Sir Edong!

Well, I know I am not good at this kind of thing but it will be worth a try. Now that I am into this, I've been thinking... " What should I write here?" Sabi nga ni kumpareng Lloyd, just write whatever you want or whatever you feel like sharing when you feel like writing. Hmmm... alam ko na!

I am a mother of two smart and handsome boys. Syempre mana sa mommy! O blog ko 'to walang kokontra! Mommy look-a-like nga daw as many of my friends say. Naalala ko lang the first time I gave birth. I was brought to the hospital at around 9pm of Sep. 21, 2005 because my water bag broke. When it broke, I literally heard a "plop" sound. As in literal na may pumutok yung sound na narinig ko. So while my husband was taking a night bath, I told him that we need to go to the hospital na. When we arrived at the hospital, I didn't know what to expect. I had no contraction or whatever that may indicate I am to delivery our very first angel. As calm as I can be, I waited for my OB's instruction to ER's resident doctor. Pero sa totoo lang, nanginginig ang buong katawan ko sa kaba dahil sa alam kong malapit ko na maranasan yung sinsabi nilang mahirap at masakit na proseso ng panganganak. Waaah! Ayoko na!

So after several interviews, IE and tests, I finally heard the attending doctor said to the nurses, i-ready na si Misis sa pagpasok sa delivery room (DR). Oh no! Naku Lord! This is it!

At the delivery room...

May interviews pa din pagdating ko sa DR. Since I don't feel any pains yet, mega chika pa ang lola mo! Inaalam ko pa sa mga attending nurses dun how hard it is to have a delivery. Ultimo ata private lives ng mga staffs dun natanong ko na at nai-chika na nila sa akin. After several hours, ayan na may contractions na ako. Turok dito... turok dun! Suka dito... suka dun! BP dito! Check sa tyan! IE ng IE! Sari-sari na ginagawa nila. Naku.. masakit ang buong proseso ng labor pains. You cannot do anything but wait... Haay naku...

As many moms say, "masakit managanak pero pag nakita mo na ang baby mo, malilimutan mo lahat ng sakit." Naku... di ata applicable sa akin yun. Ewan ko sa kanila pero ang masasabi ko lang... "Masakit ang manganak... totoong napakasakit manganak... pero lahat yun worth it pag nakita mo na ang baby mo... pero hinding-hindi ko malilimutan yung sakit na yun."

2 comments:

  1. I agree..naramdaman ko yung sakit sa higpit ng kapit at kurot sa akin ni grace habang nagdrive ako papunta ospital..

    Welcome sa mundo ng blog! Add na kita sa link ko...

    ReplyDelete
  2. Hehe.. Thanks jogging partner! =)

    ReplyDelete