Wednesday, March 17, 2010

Ganun pala ang feeling?!?!

Uso na daw ngayon ang instant photo print as souvenir sa mga gatherings at events. So while preparing for the Grand Alumni Homecoming ng CSA Binan, I did some research sa internet and found this one photobooth website. Well, I must admit madami ang kumukuha ng services nila kasi ang daming nakapost sa Gallery section ng website nila. Naisip ko nung una... GASTOS lang to eh... Tight budget nga kami di ba? Pero sa kabilang banda, naisip ko din na tiyak na "PAPATOK" ito sa mga a-attend ng homecoming. So I immediately proposed and discussed with the committee and aba mas na-excite pa sila.

So sige... kahit tight budget... GO! GO! GO! Mag off-set na lang sa ibang budget.

True enough, BLOCKBUSTER ang photobooth. Everyone is really waiting for their turns to have their solo and barkada picture taking. Nasusulyapan ko lang sila pag napapadaan ako sa booth. Busy kasi ako sa ticket selling at sa pag assist sa program. Aba, lahat ng nagpapa-picture ay kanya-kanya ng posing at project sa camera. Walang pakialamanan ika nga.. Nakakaaliw ang bawat eksena.

Towards the end of our event... "Kaye, magda-download na daw sila ng pcitures sa DVD. Get the officers and let's have our pictures taken." Yan ang order ni Madame President sa akin. Pero sa isip ko... "Aba teka! Hindi pa kami nagpapa-picture ng asawa ko. Asan na ba yun?" Sabay tanaw sa kung saan-saang sulok ng audigym. At kahit busy siya, hinila ko siya papunta sa photobooth just to experience this for the first time.

First time ko magpap-picture sa photobooth. Ganun pala ang feeling? Parang walang nanunuod sa inyo kapag nasa harap ka na ng camera kahit ang daming tao sa tabi-tabi. Ang iniisip ko lang eh kung ano ba ang susunod na POSE ko? Hahaha... Praning!

So in short, nag-ENJOY ako sa photobooth na yun nung gabing yun. Kahit panandalian lang. Aliw talaga!

Di ba obvious sa mga pictures namin?
Smile!
























No comments:

Post a Comment